قُل لِّلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِن يَنتَهُواْ يُغۡفَرۡ لَهُم مَّا قَدۡ سَلَفَ وَإِن يَعُودُواْ فَقَدۡ مَضَتۡ سُنَّتُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٣٨
Al-Anfal 8:38
سورة الأنفال
Medinan
Verse: 38/75
Page 181
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo sa mga tumangging sumampalataya na kung titigil sila ay magpapatawad sa kanila sa anumang nakalipas na; ngunit kung manunumbalik sila ay nagdaan na ang kalakaran sa mga nauna. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya kabilang sa mga kababayan mo; na kung titigil sila sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at sa Sugo Niya at sa paghadlang nila sa landas ni Allāh sa sinumang sumampalataya sa Kanya., ay magpapatawad si Allāh sa kanila sa anumang nauna sa mga pagkakasala nila sapagkat ang Islām ay nagwawasak sa nauna roon; ngunit kung manunumbalik sila sa kawalang-pananampalataya nila ay nauna na ang kalakaran ni Allāh sa mga nauna: kapag nagpasinungaling sila at nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya ay mamadaliin sila sa kaparusahan.
Al-Anfal 8:38
Loading the recitation…
0:00