وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَا تَنَٰزَعُواْ فَتَفۡشَلُواْ وَتَذۡهَبَ رِيحُكُمۡۖ وَٱصۡبِرُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلصَّٰبِرِينَ ٤٦
Al-Anfal 8:46
سورة الأنفال
Medinan
Verse: 46/75
Page 183
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, huwag kayong maghidwaan para panghinaan kayo ng loob at maalis ang lakas ninyo, at magtiis kayo; tunay na si Allāh ay kasama ng mga nagtitiis. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Manatili kayo sa pagtalima kay Allāh at pagtalima sa Sugo Niya sa mga sinasabi ninyo, mga ginagawa ninyo, at lahat ng mga kalagayan ninyo. Huwag kayong sumalungat sa pananaw sapagkat ang pagsalungat ay isang kadahilanan ng paghina ninyo, karuwagan ninyo, at pagkawala ng lakas ninyo. Magtiis kayo sa sandali ng pakikipagtagpo sa kaaway ninyo. Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nagtitiis sa pamamagitan ng pag-aadya, pag-alalay, at tulong. Ang sinumang si Allāh ay kasama niya, siya ay ang nananaig at ang nagwawagi - walang pasubali.
Al-Anfal 8:46
Loading the recitation…
0:00