وَإِذۡ قِيلَ لَهُمُ ٱسۡكُنُواْ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةَ وَكُلُواْ مِنۡهَا حَيۡثُ شِئۡتُمۡ وَقُولُواْ حِطَّةࣱ وَٱدۡخُلُواْ ٱلۡبَابَ سُجَّدࣰا نَّغۡفِرۡ لَكُمۡ خَطِيٓـَٰٔتِكُمۡۚ سَنَزِيدُ ٱلۡمُحۡسِنِينَ ١٦١
Al-A'raf 7:161
سورة الأعراف
Meccan
Verse: 161/206
Page 171
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Banggitin] noong sinabi sa kanila: "Tumahan kayo sa pamayanang ito, kumain kayo mula rito saanman ninyo loobin, magsabi kayo: Pag-aalis-sala, pumasok kayo sa pinto na mga nakayukod; magpapatawad Kami sa inyo sa mga kamalian ninyo. Magdaragdag Kami [ng gantimpala] sa mga tagapagpaganda ng gawa." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Banggitin mo, O Sugo ni Allāh, nang nagsabi si Allāh sa kanila: "Pumasok kayo sa Jerusalem. Kumain kayo mula sa mga bunga ng pamayanan niyon mula sa alinmang pook mula roon at sa alinmang oras ninyo loobin. Magsabi kayo: O Panginoon namin, alisin Mo sa amin ang mga kasalanan namin. Pumasok kayo sa pinto na mga nakayukod, na mga nagpapasakop sa Panginoon ninyo. Kung gagawin ninyo iyan, magpapalampas Kami sa mga pagkakasala ninyo. Magdaragdag Kami sa mga tagapagpaganda ng gawa ng mga mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay."
Al-A'raf 7:161
Loading the recitation…
0:00