ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يَتۡلُونَهُۥ حَقَّ تِلَاوَتِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۗ وَمَن يَكۡفُرۡ بِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ ١٢١
Al-Baqarah 2:121
سورة البقرة
Medinan
Verse: 121/286
Page 19
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang [ilan sa] mga binigyan Namin ng Kasulatan ay bumibigkas nito nang totoong pagbigkas. Ang mga iyon ay sumasampalataya rito. Ang sinumang tumangging sumampalataya rito, ang mga iyon ay ang mga lugi. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsasalita ang Marangal na Qur'ān tungkol sa isang pangkat kabilang sa mga May Kasulatan, na gumagawa ayon sa nasa mga kamay nila na mga kasulatang ibinaba at sumusunod sa mga ito nang totoong pagsunod sa mga ito. Ang mga taong ito ay nakatatagpo sa mga kasulatang ito ng mga palatandaang nagpapatunay sa katapatan ni Propeta Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan. Dahil dito, nagmadali sila sa pagsampalataya sa kanya. May iba pang pangkat na nagpumilit naman sa kawalang-pananampalataya nito kaya ukol dito ang pagkalugi.
Al-Baqarah 2:121
Loading the recitation…
0:00