تِلۡكَ أُمَّةࣱ قَدۡ خَلَتۡۖ لَهَا مَا كَسَبَتۡ وَلَكُم مَّا كَسَبۡتُمۡۖ وَلَا تُسۡـَٔلُونَ عَمَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ١٣٤
Al-Baqarah 2:134
سورة البقرة
Medinan
Verse: 134/286
Page 20
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Iyon ay isang kalipunang lumipas na. Ukol doon ang nakamit niyon at ukol sa inyo ang nakamit ninyo. Hindi kayo tatanungin tungkol sa anumang dati nilang ginagawa. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Iyon ay isang kalipunang nagdaan na sa sinumang nagdaan bago ninyo kabilang sa mga kalipunan, at humantong iyon sa ipinauna niyon na gawa. Ukol doon ang nakamit niyon na maganda o masagwa at ukol sa inyo ang nakamit ninyo. Hindi kayo tatanungin tungkol sa mga gawa nila at hindi sila tatanungin tungkol sa mga gawa ninyo. Hindi masisisi ang isa dahil sa pagkakasala ng iba, bagkus gagantihan ang bawat isa dahil sa ipinauna niyang gawa. Kaya huwag umabala sa inyo ang gawain ng sinumang nagdaan bago ninyo palayo sa pagtingin sa gawa ninyo sapagkat tunay na ang isa ay hindi makikinabang, matapos ng awa ni Allāh, sa iba pa sa gawa niyang maayos.
Al-Baqarah 2:134
Loading the recitation…
0:00