وَقَالُواْ كُونُواْ هُودًا أَوۡ نَصَٰرَىٰ تَهۡتَدُواْۗ قُلۡ بَلۡ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِـۧمَ حَنِيفࣰاۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ ١٣٥
Al-Baqarah 2:135
سورة البقرة
Medinan
Verse: 135/286
Page 21
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi sila: "Maging mga Hudyo o mga Kristiyano kayo, mapapatnubayan kayo." Sabihin mo: "Bagkus [sumunod] sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya naging kabilang sa mga tagatambal [kay Allāh]." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsabi ang mga Hudyo sa Kalipunang ito: "Maging mga Hudyo kayo, tatahak kayo sa landas ng kapatnubayan." Nagsabi ang mga Kristiyano: "Maging mga Kristiyano kayo, tatahak kayo sa landas ng kapatnubayan." Sabihin mo, o Propeta, habang sumasagot sa kanila: "Bagkus sumusunod kami sa relihiyon ni Abraham, na kumikiling palayo sa mga bulaang relihiyon patungo sa totoong relihiyon, at hindi siya naging kabilang sa mga nagtambal kasama kay Allāh ng isa man."
Al-Baqarah 2:135
Loading the recitation…
0:00