أَيَّامࣰا مَّعۡدُودَٰتࣲۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوۡ عَلَىٰ سَفَرࣲ فَعِدَّةࣱ مِّنۡ أَيَّامٍ أُخَرَۚ وَعَلَى ٱلَّذِينَ يُطِيقُونَهُۥ فِدۡيَةࣱ طَعَامُ مِسۡكِينࣲۖ فَمَن تَطَوَّعَ خَيۡرࣰا فَهُوَ خَيۡرࣱ لَّهُۥۚ وَأَن تَصُومُواْ خَيۡرࣱ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ ١٨٤
Al-Baqarah 2:184
سورة البقرة
Medinan
Verse: 184/286
Page 28
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Mag-ayuno ng] mga araw na bilang; ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay may-sakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw. Kailangan sa mga nakakakaya nito ay isang pantubos na pagpapakain sa mga dukha; ngunit ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, ito ay higit na mabuti para sa kanya. Ang mag-ayuno kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang pag-aayunong inobliga sa inyo ay na mag-ayuno kayo sa mga araw na kakaunti ng isang taon; ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay may-sakit na sakit na nagpapahirap sa kanya ang pag-aayuno o naglalakbay, maaari sa kanya na tumigil, pagkatapos ay kailangan sa kanya magbayad-ayuno ng mismong bilang ng mga araw na tumigil sa pag-aayuno. Kailangan sa mga nakakakaya sa pag-aayuno ay isang pantubos, kapag tumigil sa pag-aayuno. Ito ay pagpapakain ng isang dukha kapalit sa bawat araw na tumigil sa pag-aayuno. Ang pag-aayuno ninyo ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa pagtigil sa pag-aayuno at pagbibigay ng pantubos, kung kayo ay nakaaalam sa taglay ng pag-aayuno na kalamangan. Ang patakarang ito noon na unang isinabatas ni Allāh ay ang pag-aayuno. Ang sinumang nagnais ay mag-ayuno, at ang sinumang magnais ay tumigil at magpakain. Pagkatapos ay nagsatungkulin si Allāh ng pag-aayuno matapos niyon at nag-obliga nito sa bawat nasa hustong gulang na nakakakayang mag-ayuno.
Al-Baqarah 2:184
Loading the recitation…
0:00