ٱلشَّهۡرُ ٱلۡحَرَامُ بِٱلشَّهۡرِ ٱلۡحَرَامِ وَٱلۡحُرُمَٰتُ قِصَاصࣱۚ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَٱعۡتَدُواْ عَلَيۡهِ بِمِثۡلِ مَا ٱعۡتَدَىٰ عَلَيۡكُمۡۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُتَّقِينَ ١٩٤
Al-Baqarah 2:194
سورة البقرة
Medinan
Verse: 194/286
Page 30
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang Buwang Pinakababanal ay katumbas ng Buwang Pinakababanal at ang mga paglabag ay [may] ganting-pinsala. Kaya ang sinumang nangaway sa inyo ay awayin ninyo siya ng tulad ng pangangaway niya sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga tagapangilag magkasala. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang Buwang Pinakababanal, na nagpakaya sa inyo si Allāh dito ng pagpasok sa Makkah at pagsasagawa ng `umrah noong taong 7 AH, ay panumbas sa Buwang Pinakababanal na bumabalakid sa inyo roon ang mga tagatambal sa [pagpasok sa] Makkah noong taong 6 AH. Ang mga paglabag - gaya ng paglabag sa Bayang Pinakababanal, Buwang Pinakababanal, at iḥrām - ay ipinatutupad sa mga ito ang ganting-pinsala sa panig ng mga nangangaway. Kaya ang sinumang nangaway sa inyo sa mga ito ay makitungo kayo sa kanya ng tulad sa gawain niya at huwag kayong lumampas sa hangganan ng pagtutulad. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya. Mangamba kayo kay Allāh sa paglampas sa ipinahintulot Niya para sa inyo. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagtutuon at pag-alalay.
Al-Baqarah 2:194
Loading the recitation…
0:00