فَإِذَا قَضَيۡتُم مَّنَٰسِكَكُمۡ فَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ كَذِكۡرِكُمۡ ءَابَآءَكُمۡ أَوۡ أَشَدَّ ذِكۡرࣰاۗ فَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ رَبَّنَآ ءَاتِنَا فِي ٱلدُّنۡيَا وَمَا لَهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنۡ خَلَٰقࣲ ٢٠٠
Al-Baqarah 2:200
سورة البقرة
Medinan
Verse: 200/286
Page 31
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kapag nakatapos kayo ng mga gawaing-pagsamba ninyo ay mag-alaala kayo kay Allāh gaya ng pag-alaala ninyo sa mga ninuno ninyo o higit na matindi sa pag-alaala. Mayroon sa mga taong nagsasabi: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo," at walang ukol sa kanila sa Kabilang-buhay na anumang bahagi. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kapag nagwakas kayo sa mga gawain ng ḥajj at natapos kayo sa mga ito ay mag-alaala kayo kay Allāh at magparami kayo ng pagbubunyi sa Kanya gaya ng pagmamalaki ninyo sa mga ninuno ninyo at pagbubunyi ninyo sa kanila o ng higit na matindi sa pag-alaala kay Allāh kaysa sa pag-alaala sa mga ninuno ninyo dahil ang bawat biyayang tinatamasa ninyo ay mula sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. Ang mga tao ay mga nagkakaiba sapagkat kabilang sa kanila ang tagatangging sumampalataya at ang tagatambal, na hindi sumasampalataya kundi sa buhay na pangmundong ito kaya wala siyang hinihiling sa Panginoon niya kundi kaginhawahan nito at gayak nito gaya ng kalusugan, salapi, at anak. Wala silang bahagi mula sa inihanda ni Allāh para sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya sa Kabilang-buhay dahil sa pagkaibig nila sa Mundo at pag-ayaw nila sa Kabilang-buhay.
Al-Baqarah 2:200
Loading the recitation…
0:00