فَهَزَمُوهُم بِإِذۡنِ ٱللَّهِ وَقَتَلَ دَاوُۥدُ جَالُوتَ وَءَاتَىٰهُ ٱللَّهُ ٱلۡمُلۡكَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَعَلَّمَهُۥ مِمَّا يَشَآءُۗ وَلَوۡلَا دَفۡعُ ٱللَّهِ ٱلنَّاسَ بَعۡضَهُم بِبَعۡضࣲ لَّفَسَدَتِ ٱلۡأَرۡضُ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ ذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ ٢٥١
Al-Baqarah 2:251
سورة البقرة
Medinan
Verse: 251/286
Page 41
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya tinalo nila ang mga iyon ayon sa pahintulot ni Allāh. Pinatay ni David si Goliath. Nagbigay rito si Allāh ng paghahari at karunungan at nagturo Siya rito ng mula sa anumang niloloob Niya. Kung hindi dahil sa pagpapataboy ni Allāh sa mga tao: sa iba sa kanila sa pamamagitan ng iba pa ay talaga sanang natiwali ang lupa, subalit si Allāh ay may kabutihang-loob sa mga nilalang. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya tinalo nila ang mga iyon ayon sa pahintulot ni Allāh. Pinatay ni David ang pinuno nilang si Goliath. Nagbigay rito si Allāh ng paghahari at pagkapropeta at nagturo Siya rito ng mula sa anumang niloloob Niya na mga uri ng mga kaalaman kaya nagtipon Siya para rito ng nakabubuti sa Mundo at Kabilang-buhay. Kung hindi dahil bahagi ng kalakaran ni Allāh na supilin sa pamamagitan ng iba sa mga tao ang katiwalian ng iba sa kanila, talaga sanang natiwali ang lupa dahil sa pangingibabaw ng mga tagapagtiwali rito, subalit si Allāh ay may kabutihang-loob sa lahat ng mga nilikha.
Al-Baqarah 2:251
Loading the recitation…
0:00