مَّثَلُ ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ كَمَثَلِ حَبَّةٍ أَنۢبَتَتۡ سَبۡعَ سَنَابِلَ فِي كُلِّ سُنۢبُلَةࣲ مِّاْئَةُ حَبَّةࣲۗ وَٱللَّهُ يُضَٰعِفُ لِمَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٌ ٢٦١
Al-Baqarah 2:261
سورة البقرة
Medinan
Verse: 261/286
Page 44
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang paghahalintulad sa mga gumugugol ng mga salapi nila sa landas ni Allāh ay katulad ng isang butil na nagpatubo ng pitong puso, na sa bawat puso ay may isandaang butil. Si Allāh ay nagpapaibayo para sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang paghahalintulad sa gantimpala sa mga mananampalataya na mga gumugugol ng mga salapi nila sa landas ni Allāh ay katulad ng isang butil na inilalagay ng magsasaka sa lupang kaaya-aya at nagpatubo ng pitong puso, na sa bawat puso mula rito ay may isandaang butil. Si Allāh ay nagpapaibayo ng gantimpala para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya sapagkat nagbibigay Siya sa kanila ng pabuya nila nang walang pagtutuos. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob at ang pagbibigay, Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat sa pagpapaibayo.
Al-Baqarah 2:261
Loading the recitation…
0:00