يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنفِقُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا كَسَبۡتُمۡ وَمِمَّآ أَخۡرَجۡنَا لَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِۖ وَلَا تَيَمَّمُواْ ٱلۡخَبِيثَ مِنۡهُ تُنفِقُونَ وَلَسۡتُم بِـَٔاخِذِيهِ إِلَّآ أَن تُغۡمِضُواْ فِيهِۚ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٌ ٢٦٧
Al-Baqarah 2:267
سورة البقرة
Medinan
Verse: 267/286
Page 45
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga sumampalataya, gumugol kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay na kinamit ninyo at mula sa mga pinalabas Namin para sa inyo mula sa lupa. Huwag kayong maglayon ng karima-rimarim mula roon, na gumugugol kayo samantalang kayo ay hindi mga tatanggap nito maliban na magpikit-mata kayo rito. Alamin ninyo na si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, gumugol kayo mula sa yamang ipinahihintulot na kaaya-aya na kinamit ninyo at gumugol kayo mula sa mga pinalabas Namin para sa inyo mula sa halaman ng lupa. Huwag kayong maglayon ng masamang uri mula roon para gugulin ninyo, na samantalang kung sakaling ibinigay sa inyo ay hindi kayo tatanggap nito malibang kapag nagpikit-mata kayo rito, na mga napipilitan sa kasamaang-uri nito kaya papaanong malulugod kayo para kay Allāh sa hindi kayo malulugod para sa mga sarili ninyo? Alamin ninyo na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga paggugol ninyo, pinupuri sa sarili Niya at mga gawa Niya.
Al-Baqarah 2:267
Loading the recitation…
0:00