وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰ وَٱسۡتَكۡبَرَ وَكَانَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ ٣٤
Al-Baqarah 2:34
سورة البقرة
Medinan
Verse: 34/286
Page 6
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan;" kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas. Tumanggi siya, nagmalaki siya, at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Naglilinaw si Allāh - pagkataas-taas Siya - na Siya ay nag-utos sa mga anghel na magpatirapa kay Adan nang pagpapatirapa ng paggalang. Nagpatirapa naman sila habang mga nagmamadali sa pagsunod sa utos ni Allāh, maliban sa nangyari kay Satanas na kabilang sa mga jinn. Tumanggi ito dala ng pagtutol sa utos ni Allāh dito na magpatirapa at dala ng pagpapakamalaki kay Adan, kaya dahil doon ito ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh - pagkataas-taas Siya.
Al-Baqarah 2:34
Loading the recitation…
0:00