وَءَامِنُواْ بِمَآ أَنزَلۡتُ مُصَدِّقࣰا لِّمَا مَعَكُمۡ وَلَا تَكُونُوٓاْ أَوَّلَ كَافِرِۭ بِهِۦۖ وَلَا تَشۡتَرُواْ بِـَٔايَٰتِي ثَمَنࣰا قَلِيلࣰا وَإِيَّٰيَ فَٱتَّقُونِ ٤١
Al-Baqarah 2:41
سورة البقرة
Medinan
Verse: 41/286
Page 7
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sumampalataya kayo sa pinababa Ko bilang tagapatotoo sa taglay ninyo. Huwag kayong maging una na tagatangging sumampalataya rito. Huwag kayong magbili sa mga tanda Ko sa isang halagang kakaunti. Sa Akin ay mangilag kayong magkasala. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sumampalataya kayo sa Qur'ān na pinababa Ko kay Muḥammad - ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya - na sumasang-ayon sa nasaad sa Torah bago ng pagpilipit nito kaugnay sa pumapatungkol sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagkapropeta ni Muḥammad - ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya. Mag-ingat kayo na kayo ay maging unang pangkat na tatangging sumampalataya sa kanya. Huwag kayong magpalit sa mga tanda Ko na pinababa Ko sa inyo sa isang halagang kakaunti gaya ng reputasyon at katungkulan. Mangilag kayo sa galit Ko at parusa Ko.
Al-Baqarah 2:41
Loading the recitation…
0:00