وَٱتَّقُواْ يَوۡمࣰا لَّا تَجۡزِي نَفۡسٌ عَن نَّفۡسࣲ شَيۡـࣰٔا وَلَا يُقۡبَلُ مِنۡهَا شَفَٰعَةࣱ وَلَا يُؤۡخَذُ مِنۡهَا عَدۡلࣱ وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ ٤٨
Al-Baqarah 2:48
سورة البقرة
Medinan
Verse: 48/286
Page 7
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Mangilag kayo sa isang Araw na hindi makasasapat ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa sa anuman, ni tatanggap mula sa kanya ng isang pamamagitan, ni kukuha mula sa kanya ng isang panumbas, ni sila ay iaadya. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Maglagay kayo sa pagitan ninyo at ng pagdurusa sa Araw ng Pagkabuhay ng isang pananggalang sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-utos at pagtigil sa mga sinasaway. Sa Araw na iyon ay hindi makapagdudulot ng anuman ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa. Hindi tatanggap doon ng pamamagitan ng isa pa sa pagtaboy sa isang kapinsalaan o pagtamo ng isang kapakinabangan malibang ayon sa isang pahintulot mula kay Allāh. Hindi kukuha ng isang pantubos kahit pa man gamundong ginto. Walang tagatulong sa kanila sa Araw na iyon. Kaya kapag hindi magpapakinabang ang tagapamagitan ni ang isang pantubos ni ang isang tagaadya, saan ang matatakasan?
Al-Baqarah 2:48
Loading the recitation…
0:00