وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَكُمۡ وَرَفَعۡنَا فَوۡقَكُمُ ٱلطُّورَ خُذُواْ مَآ ءَاتَيۡنَٰكُم بِقُوَّةࣲ وَٱذۡكُرُواْ مَا فِيهِ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ ٦٣
Al-Baqarah 2:63
سورة البقرة
Medinan
Verse: 63/286
Page 10
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok, [na nag-uutos]: "Tanggapin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at alalahanin ninyo ang anumang narito nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Banggitin ninyo ang tinanggap Namin sa inyo na tipang binigyang-diin, na pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Nag-angat Kami ng bundok sa ibabaw ninyo bilang pagpapangamba sa inyo at pagbabala laban sa paghinto sa paggawa ayon sa tipan habang nag-uutos sa inyo ng pagtanggap sa pinababa Namin sa inyo na Torah nang may pagsisikhay at pagsisikap, nang walang panghahamak at katamaran. Ingatan ninyo ang nilalaman nito at pagnilay-nilayan ninyo ito nang sa gayon kayo, sa pamamagitan ng pagsagawa niyon, ay mangingilag sa parusa ni Allāh - pagkataas-taas Siya.
Al-Baqarah 2:63
Loading the recitation…
0:00