قَالُواْ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ يُبَيِّن لَّنَا مَا لَوۡنُهَاۚ قَالَ إِنَّهُۥ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةࣱ صَفۡرَآءُ فَاقِعࣱ لَّوۡنُهَا تَسُرُّ ٱلنَّٰظِرِينَ ٦٩
Al-Baqarah 2:69
سورة البقرة
Medinan
Verse: 69/286
Page 10
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi sila: "Dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ang kulay nito." Nagsabi siya: "Tunay na Siya ay nagsasabi na tunay na ito ay isang baka na dilaw na matingkad ang kulay nito, na nakagagalak sa mga tumitingin." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ngunit nagpatuloy sila sa pakikipagtalo nila at pang-iinis nila, na mga nagsasabi kay Moises - sumakanya ang pangangalaga: "Dumalangin ka sa Panginoon mo upang magpalinaw Siya sa amin kung ano ang kulay nito." Kaya nagsabi sa kanila si Moises: "Tunay na si Allāh ay nagsasabing tunay na ito ay isang bakang dilaw na matindi ang kadilawan, na nagpapahanga sa bawat tumitingin dito."
Al-Baqarah 2:69
Loading the recitation…
0:00