سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِيٓ أَسۡرَىٰ بِعَبۡدِهِۦ لَيۡلࣰا مِّنَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ إِلَى ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡأَقۡصَا ٱلَّذِي بَٰرَكۡنَا حَوۡلَهُۥ لِنُرِيَهُۥ مِنۡ ءَايَٰتِنَآۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ ١
Al-Isra 17:1
سورة الإسراء
Meccan
Verse: 1/111
Page 282
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Napakamaluwalhati Niya na nagdala sa lingkod Niya, isang gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] patungo sa Masjid Al-Aqsa [sa Herusalem], na pinagpala Namin ang palibot nito upang magpakita Kami sa kanya ng ilan sa mga tanda Namin. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagpawalang-kapintasan si Allāh -napakamaluwalhati Niya - nagpakadakila Siya dahil sa kakayahan Niya sa hindi nakakaya ng isa mang bukod sa Kanya, sapagkat Siya ang nagpalakbay sa Lingkod Niyang si Muḥammad - ang pagpapala at ang pangangalaga ay sumakanya - sa kaluluwa at katawan habang gising sa isang bahagi ng gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] patungo sa Masjid ng Herusalem, na pinagpala ni Allāh ang palibot nito sa pamamagitan ng mga bunga at mga pananim at mga tahanan ng mga propeta - sumakanila ang pangangalaga - upang makita ang ilan sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kakayahan Niya -napakamaluwalhati Niya. Tunay na Siya ay ang Madinigin kaya walang naikukubli sa Kanya na naririnig, ang Nakakikita kaya walang naikukubli sa Kanya na nakikita.
Al-Isra 17:1
Loading the recitation…
0:00