هُوَ ٱلَّذِي بَعَثَ فِي ٱلۡأُمِّيِّـۧنَ رَسُولࣰا مِّنۡهُمۡ يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِهِۦ وَيُزَكِّيهِمۡ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلُ لَفِي ضَلَٰلࣲ مُّبِينࣲ ٢
Al-Jumu'ah 62:2
سورة الجمعة
Medinan
Verse: 2/11
Page 553
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Siya ay ang nagpadala sa mga iliterato ng isang sugo na kabilang sa kanila na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagdadalisay sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat at Karunungan -bagamat sila dati ay nasa isang pagkaligaw na malinaw- -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Siya ay ang nagsugo sa mga Arabe na hindi nakababasa at hindi nakasusulat ng isang sugo na kabilang sa lahi nila na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya na ibinaba Niya rito, nagdadalisay sa kanila mula sa kawalang-pananampalataya at mga kasagwaan ng mga kaasalan, at nagtuturo sa kanila ng Qur'ān at nagtuturo sa kanila ng Sunnah - gayong tunay sila dati bago ng pagsusugo sa kanya sa kanila ay nasa isang pagkaligaw palayo sa katotohanan, na maliwanag yayamang sila dati ay sumasamba sa mga diyus-diyusan, nagpapadanak ng mga dugo, at pumuputol sa ugnayang pangkaanak.
Al-Jumu'ah 62:2
Loading the recitation…
0:00