قَالَ ٱللَّهُ إِنِّي مُنَزِّلُهَا عَلَيۡكُمۡۖ فَمَن يَكۡفُرۡ بَعۡدُ مِنكُمۡ فَإِنِّيٓ أُعَذِّبُهُۥ عَذَابࣰا لَّآ أُعَذِّبُهُۥٓ أَحَدࣰا مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ ١١٥
Al-Ma'idah 5:115
سورة المائدة
Medinan
Verse: 115/120
Page 127
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi si Allāh: "Tunay na Ako ay magpapababa nito sa inyo; kaya ang sinumang tatangging sumampalataya matapos niyon kabilang sa inyo ay tunay na Ako ay magpaparusa sa kanya ng isang pagdurusang hindi Ko ipinarurusa sa isa sa mga nilalang." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya tinugon ni Allāh ang panalangin ni Hesus - sumakanya ang pangangalaga - at nagsabi: "Tunay na Ako ay magpapababa ng hapag na ito na hiniling ninyong ibaba sa inyo; kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ibaba ito ay huwag nga siyang maninisi maliban sa sarili niya sapagkat parurusahan Ko siya ng isang pagdurusang matinding hindi Ko ipinarurusa sa isa man dahil siya ay nakasaksi sa himalang kahanga-hanga kaya ang kawalang-pananampalataya niya ay naging kawalang-pananampalataya ng pagmamatigas. Isinakatuparan ni Allāh sa kanila ang pangako Niya at ibinaba Niya ito sa kanila.
Al-Ma'idah 5:115
Loading the recitation…
0:00