يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا قِيلَ لَكُمۡ تَفَسَّحُواْ فِي ٱلۡمَجَٰلِسِ فَٱفۡسَحُواْ يَفۡسَحِ ٱللَّهُ لَكُمۡۖ وَإِذَا قِيلَ ٱنشُزُواْ فَٱنشُزُواْ يَرۡفَعِ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنكُمۡ وَٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ دَرَجَٰتࣲۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرࣱ ١١
Al-Mujadilah 58:11
سورة المجادلة
Medinan
Verse: 11/22
Page 543
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga sumampalataya, kapag sinabi sa inyo na magbigayan kayo ng puwang sa mga pagtitipon ay magbigay kayo ng puwang; magbibigay si Allāh ng puwang para sa inyo. Kapag sinabi sa inyo na tumindig kayo ay tumindig kayo; mag-aangat ng mga antas si Allāh sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at sa mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kapag sinabi sa inyo na magpakaluwang kayo sa mga pagtitipon ay magpaluwang kayo sa mga iyon; magpapaluwag si Allāh para sa inyo sa buhay ninyong sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Kapag sinabi sa inyo na bumangon kayo sa ilan sa mga pagtitipon upang umupo sa mga iyon ang mga may kalamangan ay bumangon kayo sa mga iyon; mag-aangat ng mga antas na sukdulan si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at sa mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman at gaganti sa inyo sa mga iyon.
Al-Mujadilah 58:11
Loading the recitation…
0:00