هُمُ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ لَا تُنفِقُواْ عَلَىٰ مَنۡ عِندَ رَسُولِ ٱللَّهِ حَتَّىٰ يَنفَضُّواْۗ وَلِلَّهِ خَزَآئِنُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَفۡقَهُونَ ٧
Al-Munafiqun 63:7
سورة المنافقون
Medinan
Verse: 7/11
Page 555
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sila ay ang mga nagsasabi: "Huwag kayong gumugol sa mga kapiling ng Sugo ni Allāh hanggang sa nagsikalat sila." Sa kay Allāh ang mga ingatang-yaman ng mga langit at lupa, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakapag-uunawa. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sila ay ang mga nagsasabi: "Huwag kayong gumugol ng mga yaman ninyo sa mga kapiling ng Sugo ni Allāh na mga maralita at mga Arabeng disyerto sa paligid ng Madīnah hanggang sa magkahiwa-hiwalay sila palayo sa kanya." Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ang mga ingatang-yaman ng mga langit at ang mga ingatang-yaman ng lupa: nagtutustos Siya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam na ang mga ingatang-yaman ng panustos ay nasa kamay Niya - kaluwalhatian sa Kanya.
Al-Munafiqun 63:7
Loading the recitation…
0:00