وَلَٰكِنَّآ أَنشَأۡنَا قُرُونࣰا فَتَطَاوَلَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡعُمُرُۚ وَمَا كُنتَ ثَاوِيࣰا فِيٓ أَهۡلِ مَدۡيَنَ تَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَا وَلَٰكِنَّا كُنَّا مُرۡسِلِينَ ٤٥
Al-Qasas 28:45
سورة القصص
Meccan
Verse: 45/88
Page 391
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Subalit Kami ay nagpaluwal ng mga salinlahi, at naghabaan sa kanila ang edad. Hindi ka noon nanunuluyan sa mga naninirahan sa Madyan, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Namin, subalit Kami noon ay tagapagsugo. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Subalit Kami ay nagpaluwal ng mga kalipunan at mga nilikha noong matapos ni Moises, at nagkalayuan sa kanila ang panahon hanggang sa nakalimutan nila ang mga kasunduan kay Allāh. Hindi ka noon nananatili sa mga naninirahan sa Madyan, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Namin, subalit Kami ay nagsugo sa iyo mula sa ganang Amin kaya nagkasi Kami sa iyo ng ulat kay Moises at pananatili niya sa Madyan. Kaya nagpabatid ka sa mga tao ng ikinasi ni Allāh.
Al-Qasas 28:45
Loading the recitation…
0:00