وَقَالُوٓاْ إِن نَّتَّبِعِ ٱلۡهُدَىٰ مَعَكَ نُتَخَطَّفۡ مِنۡ أَرۡضِنَآۚ أَوَلَمۡ نُمَكِّن لَّهُمۡ حَرَمًا ءَامِنࣰا يُجۡبَىٰٓ إِلَيۡهِ ثَمَرَٰتُ كُلِّ شَيۡءࣲ رِّزۡقࣰا مِّن لَّدُنَّا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ ٥٧
Al-Qasas 28:57
سورة القصص
Meccan
Verse: 57/88
Page 392
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi sila: "Kung susundin namin ang patnubay kasama mo, pagtatangayin kami mula sa lupain namin." Hindi ba nagpatatag Kami para sa kanila ng isang kanlungang matiwasay na hinahakot doon ang mga bunga ng bawat bagay bilang panustos mula sa nasa Amin? Subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsabi ang mga tagapagtambal kabilang sa mga naninirahan sa Makkah, habang mga nangangatwiran sa hindi pagsunod sa Islām at pagsampalataya rito: "Kung susundin namin itong Islām na dinala mo, hahablutin kami ng mga kaaway namin mula sa lupain namin nang may kabilisan?" Hindi ba nagpatatag Kami para sa mga tagapagtambal na ito ng isang kanlungang ipinagbabawal doon ang pagpapadanak ng mga dugo at ang kawalang-katarungan, na natitiwasay sila roon laban sa pagsalakay ng iba laban sa kanila, na hinahatak doon ang mga bunga ng bawat bagay bilang panustos mula sa nasa Amin na inakay Namin papunta sa kanila? Subalit ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila para magpasalamat sa Kanya dahil doon.
Al-Qasas 28:57
Loading the recitation…
0:00