وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةِۭ بَطِرَتۡ مَعِيشَتَهَاۖ فَتِلۡكَ مَسَٰكِنُهُمۡ لَمۡ تُسۡكَن مِّنۢ بَعۡدِهِمۡ إِلَّا قَلِيلࣰاۖ وَكُنَّا نَحۡنُ ٱلۡوَٰرِثِينَ ٥٨
Al-Qasas 28:58
سورة القصص
Meccan
Verse: 58/88
Page 392
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kay rami ng pinasawi Namin na pamayanang nagpawalang-pakundangan sa pamumuhay nito, kaya iyon ang mga tirahan nila na hindi tinirahan noong wala na sila maliban ng kakaunti. Laging Kami ay ang Tagapagmana. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Anong dami ang mga pamayanang tumangging magpasalamat sa biyaya ni Allāh kaya naman nagpakalabis sa mga pagkakasala at mga pagsuway, kaya nagsugo sa mga iyon ng pagdurusa at pinasawi ang mga iyon sa pamamagitan nito. Kaya iyon ang mga tirahan nila: pinawi, na dinadaan-daanan ng mga tao. Hindi tinirahan ang mga iyon noong wala na ang mga naninirahan sa mga iyon maliban ng ilan sa mga napaparaan. Kami ay ang Tagapagmana na nagpapamana sa mga langit at lupa at sinumang nasa mga ito.
Al-Qasas 28:58
Loading the recitation…
0:00