فَٱلۡتَقَطَهُۥٓ ءَالُ فِرۡعَوۡنَ لِيَكُونَ لَهُمۡ عَدُوࣰّا وَحَزَنًاۗ إِنَّ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَجُنُودَهُمَا كَانُواْ خَٰطِـِٔينَ ٨
Al-Qasas 28:8
سورة القصص
Meccan
Verse: 8/88
Page 386
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya pinulot siya ng mag-anak ni Paraon upang siya para sa kanila ay maging isang kaaway at isang kalungkutan. Tunay na si Paraon, si Hāmān, at ang mga kawal nilang dalawa ay mga nagkakamali noon. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya sumunod ang ina ni Moises sa ipinahiwatig Namin dito na paglalagay sa kanya sa kahon at pagtatapon sa kanya sa ilog. Kaya naman napulot siya ng mag-anak ni Paraon at kinuha nila siya upang magkatotoo ang ninais ni Allāh na si Moises ay maging isang kaaway para kay Paraon, na aalisin ni Allāh ang paghahari nito sa kamay nito, habang nagdudulot si Moises ng kalungkutan nila. Tunay na si Paraon, ang katuwang nitong si Hāmān, at ang mga katulong nilang dalawa ay mga nagkakasala noon dahilan sa kawalang-pananampalataya nila, pagmamalabis nila, at panggugulo nila sa lupa.
Al-Qasas 28:8
Loading the recitation…
0:00