تِلۡكَ ٱلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ نَجۡعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوࣰّا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فَسَادࣰاۚ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلۡمُتَّقِينَ ٨٣
Al-Qasas 28:83
سورة القصص
Meccan
Verse: 83/88
Page 395
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang tahanang pangkabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin iyon para sa mga hindi nagnanais ng kataasan sa lupa ni ng kaguluhan. Ang [mabuting] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag sa pagkakasala. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang tahanang pangkabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin bilang tahanan ng ginhawa at pagpaparangal para sa mga hindi nagnanais ng pagmamalaki sa lupa sa pag-ayaw sa pananampalataya sa katotohanan at pagsunod dito at hindi nagnanais ng kaguluhan dito. Ang kahihinatnang mapapupurihan ay nasa anumang nasa loob ng paraiso na ginhawa at anumang dadapo sa loob nito na pagkalugod ni Allāh para sa mga tagapangilag sa pagkakasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
Al-Qasas 28:83
Loading the recitation…
0:00