وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلࣰا قَرۡيَةࣰ كَانَتۡ ءَامِنَةࣰ مُّطۡمَئِنَّةࣰ يَأۡتِيهَا رِزۡقُهَا رَغَدࣰا مِّن كُلِّ مَكَانࣲ فَكَفَرَتۡ بِأَنۡعُمِ ٱللَّهِ فَأَذَٰقَهَا ٱللَّهُ لِبَاسَ ٱلۡجُوعِ وَٱلۡخَوۡفِ بِمَا كَانُواْ يَصۡنَعُونَ ١١٢
An-Nahl 16:112
سورة النحل
Meccan
Verse: 112/128
Page 280
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Naglahad si Allāh ng isang paghahalimbawa sa isang pamayanang iyon dati ay matiwasay at napapanatag. Pumupunta rito ang panustos nito nang masagana mula sa bawat pook ngunit nagkaila ito sa mga biyaya ni Allāh kaya pinatikim ni Allāh ito ng damit ng pagkagutom at pangamba dahilan sa kanilang ginagawa noon. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Naglahad si Allāh ng isang paghahalimbawa sa isang pamayanan - iyon ay ang Makkah - na iyon dati ay matiwasay na walang pinangangambahan ang mga naninirahan doon at matatag pa samantalang ang mga tao sa paligid niyon ay dinudukot. Dumarating doon ang panustos niyon nang kaiga-igaya at madali mula sa bawat pook ngunit nagkaila ang mga naninirahan doon sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila na mga biyaya at hindi nagpasalamat kaya ginantihan sila ni Allāh ng pagkagutom at matinding pangambang nakalitaw sa mga katawan nila bilang hilakbot at pangangayayat hanggang sa ang dalawang ito ay naging gaya ng damit [sa pagkapit] sa kanila dahilan sa dati nilang ginagawa na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling.
An-Nahl 16:112
Loading the recitation…
0:00