وَهُوَ ٱلَّذِي سَخَّرَ ٱلۡبَحۡرَ لِتَأۡكُلُواْ مِنۡهُ لَحۡمࣰا طَرِيࣰّا وَتَسۡتَخۡرِجُواْ مِنۡهُ حِلۡيَةࣰ تَلۡبَسُونَهَاۖ وَتَرَى ٱلۡفُلۡكَ مَوَاخِرَ فِيهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ ١٤
An-Nahl 16:14
سورة النحل
Meccan
Verse: 14/128
Page 268
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Siya ay ang nagpasilbi sa dagat upang kumain kayo mula rito ng sariwang laman, humango kayo mula rito ng hiyas na isinusuot ninyo – at nakikita mo ang mga daong habang mga bumubungkal dito – at upang maghangad kayo mula sa kabutihang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Siya ay ang nagpasunud-sunuran sa dagat ,kaya nagpatatag Siya sa inyo rito mula sa pagsakay at paghahango ng nasa loob nito, upang kumain kayo mula sa mga nahuli ninyong mga isdang may malambot na sariwang laman, humango kayo mula rito ng mga palamuting isinusuot ninyo at isinusuot ng mga kababaihan ninyo gaya ng perlas– at nakikita mo ang mga daong habang mga bumubungkal sa mga alon ng dagat, at sumasakay kayo sa daong na ito upang maghanap kayo mula sa kabutihang-loob ni Allah na nakakamit mula sa kita ng kalakalan, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa anumang biyayang [ipinagkaloob Niya] sa inyo, at itangi ninyo Siya sa pagsamba.
An-Nahl 16:14
Loading the recitation…
0:00