وَإِنَّ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَنۡعَٰمِ لَعِبۡرَةࣰۖ نُّسۡقِيكُم مِّمَّا فِي بُطُونِهِۦ مِنۢ بَيۡنِ فَرۡثࣲ وَدَمࣲ لَّبَنًا خَالِصࣰا سَآئِغࣰا لِّلشَّٰرِبِينَ ٦٦
An-Nahl 16:66
سورة النحل
Meccan
Verse: 66/128
Page 274
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may maisasaalang-alang. Nagpapainom Kami sa inyo ng mula sa mga tiyan ng mga ito - sa pagitan ng dumi at dugo - na gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga iinom. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Tunay na para sa inyo, O mga tao, sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ay talagang may pangaral na mapangangaralan kayo dahil dito, yayamang nagpapainom Kami sa inyo ng gatas mula sa mga suso ng mga ito, na lumalabas sa pagitan ng nilalaman ng tiyan na mga dumi at ng nasa katawan na dugo, at sa kabila nito ay nagpapalabas ng gatas na dalisay, puro, masarap, na kaaya-aya para sa mga umiinom.
An-Nahl 16:66
Loading the recitation…
0:00