قَالُواْ ٱطَّيَّرۡنَا بِكَ وَبِمَن مَّعَكَۚ قَالَ طَٰٓئِرُكُمۡ عِندَ ٱللَّهِۖ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمࣱ تُفۡتَنُونَ ٤٧
An-Naml 27:47
سورة النمل
Meccan
Verse: 47/93
Page 381
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi sila: "Nagmasamang-pangitain kami sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo." Nagsabi siya: "Ang masamang pangitain ninyo ay nasa ganang kay Allāh, bagkus kayo ay mga taong tinutukso." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya dahil sa pagkayamot sa katotohanan: "Nagturing kami ng kamalasan sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo kabilang sa mga mananampalataya." Nagsabi sa kanila si Ṣāliḥ: "Ang itinaboy ninyong masamang pangitain dahil sa dumapo sa inyo na mga kinasusuklaman ay nasa ganang kay Allāh ang kaalaman niyon: walang naikukubli sa Kanya mula roon na anuman. Bagkus kayo ay mga taong sinusubok sa pamamagitan ng inaabot sa inyo na kabutihan at sa ipinatatamo sa inyo na kasamaan."
An-Naml 27:47
Loading the recitation…
0:00