يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسࣲ وَٰحِدَةࣲ وَخَلَقَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا وَبَثَّ مِنۡهُمَا رِجَالࣰا كَثِيرࣰا وَنِسَآءࣰۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِي تَسَآءَلُونَ بِهِۦ وَٱلۡأَرۡحَامَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَيۡكُمۡ رَقِيبࣰا ١
An-Nisa' 4:1
سورة النساء
Medinan
Verse: 1/176
Page 77
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga sinapupunan. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sapagkat Siya ang lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, ang ama ninyong si Adan, lumikha mula kay Adan ng kabiyak nito, si Eva na ina ninyo, at nagpakalat mula sa dalawang ito sa mga dako ng lupa ng maraming tao: kalalakihan at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na humihiling ang isa't isa sa inyo sa pamamagitan Niya sa pamamagitan ng pagsabi: "Humihiling ako sa iyo sa pamamagitan ni Allāh na gawin mo ang ganito." Mangilag kayo sa pagputol ng ugnayan sa mga kamag-anakan, na nag-uugnay sa pagitan ninyo. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid kaya walang nakalulusot sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo, bagkus bumibilang Siya sa mga ito at gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
An-Nisa' 4:1
Loading the recitation…
0:00