يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلَّذِي نَزَّلَ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ مِن قَبۡلُۚ وَمَن يَكۡفُرۡ بِٱللَّهِ وَمَلَٰٓئِكَتِهِۦ وَكُتُبِهِۦ وَرُسُلِهِۦ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا ١٣٦
An-Nisa' 4:136
سورة النساء
Medinan
Verse: 136/176
Page 100
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga sumampalataya, sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya, sa Aklat na pinabababa Niya sa Sugo Niya, at sa kasulatang ibinaba Niya noong una. Ang sinumang tumatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw ay naligaw nga nang pagkaligaw na malayo. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
O mga sumampalataya, magpakatatag kayo sa pananampalataya ninyo kay Allāh, sa Sugo Niya, sa Qur'ān na pinababa Niya sa Sugo Niya, at sa mga kasulatang pinababa Niya sa mga sugo bago nito. Ang sinumang tumatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, at sa Araw ng Pagbangon ay nalayo nga sa daang tuwid nang pagkakalayong sukdulan.
An-Nisa' 4:136
Loading the recitation…
0:00