لَّٰكِنِ ٱلرَّٰسِخُونَ فِي ٱلۡعِلۡمِ مِنۡهُمۡ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ يُؤۡمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَۚ وَٱلۡمُقِيمِينَ ٱلصَّلَوٰةَۚ وَٱلۡمُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ أُوْلَٰٓئِكَ سَنُؤۡتِيهِمۡ أَجۡرًا عَظِيمًا ١٦٢
An-Nisa' 4:162
سورة النساء
Medinan
Verse: 162/176
Page 103
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Subalit ang mga nagpakalalim sa kaalaman kabilang sa kanila at ang mga mananampalataya ay sumasampalataya sa anumang ibinaba sa iyo at anumang ibinaba bago sa iyo. Ang mga nagpapanatili sa pagdarasal, ang mga nagbibigay ng zakāh, at ang mga sumasamapalataya kay Allāh at sa Huling Araw, ang mga iyon ay bibigyan Namin ng isang kabayarang sukdulan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Subalit ang mga nagpakatatag na nagpakahusay sa kaalaman kabilang sa mga hudyo at ang mga mananampalataya ay naniniwala sa pinababa ni Allāh sa iyo, o Sugo, na Qur'ān, naniniwala sa pinababa na mga kasulatan sa nauna sa iyo na mga sugo gaya ng Torah at Ebanghelyo, nagpapanatili ng pagdarasal, nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila, naniniwala kay Allāh bilang iisang Diyos na walang katambal, at naniniwala sa Araw ng Pagbangon. Ang mga nagtataglay na iyon ng mga katangiang ito ay bibigyan ng isang gantimpalang sukdulan.
An-Nisa' 4:162
Loading the recitation…
0:00