فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَيُوَفِّيهِمۡ أُجُورَهُمۡ وَيَزِيدُهُم مِّن فَضۡلِهِۦۖ وَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱسۡتَنكَفُواْ وَٱسۡتَكۡبَرُواْ فَيُعَذِّبُهُمۡ عَذَابًا أَلِيمࣰا وَلَا يَجِدُونَ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ وَلِيࣰّا وَلَا نَصِيرࣰا ١٧٣
An-Nisa' 4:173
سورة النساء
Medinan
Verse: 173/176
Page 105
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya tungkol naman sa mga sumampalataya at gumawa ng mga matuwid, lulubusin Niya sa kanila ang mga kabayaran nila at dadagdagan Niya sila mula sa kabutihang-loob Niya. Tungkol naman sa mga nangmata at nagmalaki, pagdurusahin Niya sila ng isang pagdurusang masakit at hindi sila makatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang tagaadya. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya tungkol naman sa mga sumampalataya kay Allāh, naniwala sa mga sugo Niya, at gumawa ng mga gawang matuwid bilang mga nagpapakawagas kay Allāh habang mga gumagawa ng ayon sa isinabatas Niya, magbibigay Siya sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila nang hindi nababawasan, at magdadagdag Siya sa kanila roon mula sa kabutihang-loob Niya at pagmamagandang-loob Niya. Tungkol naman sa mga nagmaliit sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya at nanghamak dala ng pagkamapagmalaki, pagdurusahin Niya sila ng isang pagdurusang nakasasakit. Hindi sila makatatagpo bukod pa sa Kanya ng tatangkilik sa kanila para magdulot sa kanila ng pakinabang, ni ng mag-aadya sa kanila para magtulak palayo sa kanila ng kapinsalaan.
An-Nisa' 4:173
Loading the recitation…
0:00