وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِأَعۡدَآئِكُمۡۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَلِيࣰّا وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ نَصِيرࣰا ٤٥
An-Nisa' 4:45
سورة النساء
Medinan
Verse: 45/176
Page 86
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Si Allāh ay higit na nakaaalam sa mga kaaway ninyo. Nakasapat si Allāh bilang Katangkilik at nakasapat si Allāh bilang Mapag-adya. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Si Allāh - kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan - ay higit na nakaaalam kaysa sa inyo sa mga kaaway ninyo, o mga mananampalataya, kaya nagpabatid Siya sa inyo hinggil sa kanila at naglinaw Siya para sa inyo sa pagkamuhi nila. Nakasapat si Allāh bilang Katangkilik na mag-iingat sa inyo laban sa pinsala nila at nakasapat si Allāh bilang Mapag-adyang magtatanggol sa inyo laban sa pakana nila at pananakit nila at mag-aadya sa inyo laban sa kanila.
An-Nisa' 4:45
Loading the recitation…
0:00