وَٱلَّذِينَ صَبَرُواْ ٱبۡتِغَآءَ وَجۡهِ رَبِّهِمۡ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ سِرࣰّا وَعَلَانِيَةࣰ وَيَدۡرَءُونَ بِٱلۡحَسَنَةِ ٱلسَّيِّئَةَ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عُقۡبَى ٱلدَّارِ ٢٢
Ar-Ra'd 13:22
سورة الرعد
Medinan
Verse: 22/43
Page 252
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang mga nagtiis sa paghahangad ng kaluguran ng Panginoon nila, nagpanatili ng pagdarasal, gumugol nang palihim at hayagan mula sa itinustos Namin sa kanila, at pumipigil, sa pamamagitan ng magandang gawa, sa masagwang gawa – ang mga iyon ay ukol sa kanila ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan, -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sila ay ang mga nagtiis sa pagtalima kay Allāh at sa itinakda ni Allāh sa kanila kabilang sa nagpapagalak o nagpapadalamhati, at nagtiis sa paglayo sa pagsuway kay Allāh dahil sa paghahanap sa kaluguran ni Allāh; nagsagawa ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na anyo; nagkaloob mula sa mga yamang ibinigay Namin sa kanila ng mga tungkuling kinakailangan, at nagkaloob mula sa mga ito nang lingid sa tao palayo sa pagpapakitang-tao at nang lantaran upang tumulad sa kanila ang mga iba pa sa kanila; at pumipigil sa kasagwaan ng sinumang gumawa ng masagwa sa kanila sa pamamagitan ng paggawa ng maganda roon – ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang ito ay ukol sa kanila ang kahihinatnang kapuri-puri sa Araw ng Pagbangon.
Ar-Ra'd 13:22
Loading the recitation…
0:00