وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَٰهُ حُكۡمًا عَرَبِيࣰّاۚ وَلَئِنِ ٱتَّبَعۡتَ أَهۡوَآءَهُم بَعۡدَ مَا جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ مَا لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن وَلِيࣲّ وَلَا وَاقࣲ ٣٧
Ar-Ra'd 13:37
سورة الرعد
Medinan
Verse: 37/43
Page 254
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Gayon Kami nagbaba ng isang kahatulang Arabe. Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, walang ukol sa iyo mula kay Allāh na anumang tagatangkilik ni tagapagsanggalang. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Tulad ng pagpapababa Namin ng mga kasulatang nauna ayon sa mga wika ng mga taong pinatungkulan ng mga ito, ibinaba Namin sa iyo, O Muḥammad, ang Qur'ān bilang pananalitang pagpapasyang naglilinaw sa katotohanan, [sa wikang] Arabe. Talagang kung sumunod ka, O Sugo, sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalamang itinuro sa iyo ni Allāh, walang ukol sa iyo mula kay Allāh na anumang tagatangkilik na tatangkilik sa kapakanan mo at mag-aadya sa iyo laban sa mga kaaway mo at walang ukol sa iyo na tagapagtanggol na magtatanggol sa iyo laban sa pagdurusang dulot Niya.
Ar-Ra'd 13:37
Loading the recitation…
0:00