يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُونُوٓاْ أَنصَارَ ٱللَّهِ كَمَا قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ لِلۡحَوَارِيِّـۧنَ مَنۡ أَنصَارِيٓ إِلَى ٱللَّهِۖ قَالَ ٱلۡحَوَارِيُّونَ نَحۡنُ أَنصَارُ ٱللَّهِۖ فَـَٔامَنَت طَّآئِفَةࣱ مِّنۢ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَكَفَرَت طَّآئِفَةࣱۖ فَأَيَّدۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ عَلَىٰ عَدُوِّهِمۡ فَأَصۡبَحُواْ ظَٰهِرِينَ ١٤
As-Saff 61:14
سورة الصف
Medinan
Verse: 14/14
Page 552
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga sumampalataya, maging mga tagaadya ni Allāh kayo gaya ng sinabi ni Hesus na anak ni Maria sa mga disipulo niya: "Sino ang mga tagaadya ko kay Allāh?" Nagsabi ang mga disipulo: "Kami ay ang mga tagaadya ni Allāh." Kaya may sumampalataya na isang pangkat mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na isang pangkat. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya laban sa kaaway nila, kaya sila ay naging mga tagapangibabaw. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa sa isinabatas Niya para sa kanila, maging mga tagaadya ni Allāh kayo sa pamamagitan ng pag-aadya ninyo sa relihiyon Niyang inihatid ng Sugo ninyo tulad ng pag-aadya ng mga disipulo noong nagsabi sa kanila si Hesus - sumakanya ang pangangalaga: "Sino ang mga tagaadya ko kay Allāh?" Kaya sumagot sila sa kanya, na mga nagdadali-dali: "Kami ay ang mga tagaadya ni Allāh." Kaya may sumampalataya kay Hesus -sumakanya ang pangangalaga- na isang grupo mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na iba pang grupo. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya kay Hesus laban sa mga tumangging sumampalataya sa kanya, kaya sila ay naging mga tagapanaig laban sa mga iyon.
As-Saff 61:14
Loading the recitation…
0:00