رَّسُولࣰا يَتۡلُواْ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ مُبَيِّنَٰتࣲ لِّيُخۡرِجَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعۡمَلۡ صَٰلِحࣰا يُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتࣲ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدࣰاۖ قَدۡ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ لَهُۥ رِزۡقًا ١١
At-Talaq 65:11
سورة الطلاق
Medinan
Verse: 11/12
Page 559
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
isang Sugo na bumibigkas sa inyo ng mga tanda ni Allāh, na mga naglilinaw, upang magpalabas Siya sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng maayos ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Gumawa nga ng maganda si Allāh para rito sa pagtustos. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang paalaalang ito ay isang Sugo mula kay Allāh na bumibigkas sa inyo ng mga tanda Niya, na mga naglilinaw nang walang kalituhan sa mga ito sa pag-asang magpalabas Siya sa mga sumampalataya sa Kanya at nagpatotoo sa Sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos mula sa mga kadiliman ng pagkaligaw tungo sa liwanag ng kapatnubayan. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng gawang maayos ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Gumawa nga ng maganda si Allāh para rito sa pagtustos yayamang magpapapasok Siya rito sa hardin na hindi mapuputol ang kaginhawahan doon.
At-Talaq 65:11
Loading the recitation…
0:00