وَأَذَٰنࣱ مِّنَ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦٓ إِلَى ٱلنَّاسِ يَوۡمَ ٱلۡحَجِّ ٱلۡأَكۡبَرِ أَنَّ ٱللَّهَ بَرِيٓءࣱ مِّنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ وَرَسُولُهُۥۚ فَإِن تُبۡتُمۡ فَهُوَ خَيۡرࣱ لَّكُمۡۖ وَإِن تَوَلَّيۡتُمۡ فَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّكُمۡ غَيۡرُ مُعۡجِزِي ٱللَّهِۗ وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ ٣
At-Taubah 9:3
سورة التوبة
Medinan
Verse: 3/129
Page 187
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Ito ay] isang pagpapahayag, mula kay Allāh at sa Sugo Niya, sa mga tao sa araw ng pinakamalaking ḥajj, na si Allāh ay walang-kaugnayan sa mga tagapagtambal, at ang Sugo Niya. Kaya kung nagbalik-loob kayo, ito ay higit na mabuti para sa inyo; ngunit kung tumalikod kayo ay alamin ninyo na kayo ay hindi makapagpapahina kay Allāh. Balitaan mo ang mga tumangging sumampalataya ng isang pagdurusang masakit. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
[Ito ay] isang pagpapahayag mula kay Allāh at sa Sugo Niya sa lahat ng mga tao sa araw ng pag-aalay [sa ḥajj] na si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay walang-kaugnayan sa mga tagapagtambal at ang Sugo Niya ay gayon din sa kanila. Kaya kung nagbalik-loob kayo, O mga tagapagtambal, mula sa pagtatambal ninyo, ang pagbabalik-loob ninyo ay higit na mabuti para sa inyo. Maniwala kayo nang tiyakan na kayo ay hindi makalulusot kay Allāh at hindi makalulusot sa kaparusahan Niya. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh ng ikasasama ng loob nila, na isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila.
At-Taubah 9:3
Loading the recitation…
0:00