يَوۡمَ يُحۡمَىٰ عَلَيۡهَا فِي نَارِ جَهَنَّمَ فَتُكۡوَىٰ بِهَا جِبَاهُهُمۡ وَجُنُوبُهُمۡ وَظُهُورُهُمۡۖ هَٰذَا مَا كَنَزۡتُمۡ لِأَنفُسِكُمۡ فَذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَكۡنِزُونَ ٣٥
At-Taubah 9:35
سورة التوبة
Medinan
Verse: 35/129
Page 192
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sa araw na papainitan ang mga ito sa apoy ng Impiyerno at heheruhan sa pamamagitan ng mga ito ang mga noo nila, ang mga tagiliran nila, at ang mga likod nila [at sasabihin]: "Ito ang inimbak ninyo para sa mga sarili ninyo kaya lasapin ninyo ang iniimbak ninyo noon." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sa Araw ng Pagbangon ay magpapaningas sa anumang tinipon nila at ipinagkait nilang karapatan, sa Apoy ng Impiyerno. Kapag tumindi ang init ng mga ito ay ilalagay ang mga ito sa mga noo nila, sa mga tagiliran nila, at sa mga likod nila. Sasabihin sa kanila bilang paninisi: "Ang mga ito ay ang mga yaman ninyo na tinipon ninyo at hindi ninyo ginampanan ang mga tungkuling kinakailangan sa mga ito, kaya lasapin ninyo ang masamang kinahantungan ng mga iniipon ninyo noon habang hindi ninyo ginagampanan ang mga tungkulin sa mga ito, at ang kahihinatnan niyon."
At-Taubah 9:35
Loading the recitation…
0:00