لَا يَسۡتَـٔۡذِنُكَ ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ أَن يُجَٰهِدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِٱلۡمُتَّقِينَ ٤٤
At-Taubah 9:44
سورة التوبة
Medinan
Verse: 44/129
Page 194
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi nagpapaalam sa iyo ang mga sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na makibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagapangilag sa pagkakasala. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Hindi bahagi ng nauukol sa mga mananampalataya kay Allāh at sa Araw ng Pagbangon ayon sa isang pananampalatayang tapat na humiling sila sa iyo, O Sugo, ng pahintulot sa pagpapaiwan sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila, bagkus ang nauukol sa kanila ay tumugon sila kapag nanawagan ka sa kanila ng pagsasandata at makibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Si Allāh ay Maalam sa mga nangingilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niyang hindi nagpapaalam sa iyo malibang may tanggap na dahilang pumipigil sa kanila sa paghayo kasama mo.
At-Taubah 9:44
Loading the recitation…
0:00