كَيۡفَ وَإِن يَظۡهَرُواْ عَلَيۡكُمۡ لَا يَرۡقُبُواْ فِيكُمۡ إِلࣰّا وَلَا ذِمَّةࣰۚ يُرۡضُونَكُم بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَتَأۡبَىٰ قُلُوبُهُمۡ وَأَكۡثَرُهُمۡ فَٰسِقُونَ ٨
At-Taubah 9:8
سورة التوبة
Medinan
Verse: 8/129
Page 188
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Papaanong [magkakaroon ng isang tipan] samantalang kung mangingibabaw sila sa inyo ay hindi sila magpapakundangan sa inyo sa pagkakamag-anak ni sa kasunduan. Pinalulugod nila kayo sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang tumatanggi ang mga puso nila. Ang higit na marami sa kanila ay mga suwail. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Papaanong nangyaring mayroon silang tipan at katiwasayan samantalang sila ay mga kaaway ninyo? Kung magtagumpay sila sa inyo ay hindi sila magsasaalang-alang sa inyo kay Allāh ni sa pagkakamag-anak ni sa tipan, bagkus magpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa! Pinalulugod nila kayo sa pamamagitan ng magandang pananalitang binibigkas ng mga dila nila subalit ang mga puso nila ay hindi sumasang-ayon kaya naman hindi sila tumutupad sa sinasabi nila. Ang higit na marami sa kanila ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa pagsira nila sa tipan.
At-Taubah 9:8
Loading the recitation…
0:00