الٓرۚ كِتَٰبٌ أُحۡكِمَتۡ ءَايَٰتُهُۥ ثُمَّ فُصِّلَتۡ مِن لَّدُنۡ حَكِيمٍ خَبِيرٍ ١
Hood 11:1
سورة هود
Meccan
Verse: 1/123
Page 221
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Alif. Lam. Ra'. [Ito ay] isang Aklat na nilubos ang mga talata nito, pagkatapos ay masusing ipinaliwanag mula sa panig ng isang Marunong, isang Tagabatid. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Alif. Lām. Rā’. Nauna ang pagtalakay sa mga katapat ng mga ito sa Kabanatang Baqarah. Ang Qur'ān ay isang aklat na hinusayan ang mga talata nito sa pagsasaayos at kahulugan kaya hindi ka nakakikita sa mga ito ng kasiraan ni kakulangan. Pagkatapos ay nilinaw ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa ipinahihintulot at ipinagbabawal, ipinag-uutos at sinasaway, pangako at banta, mga salaysay, at ipa pa roon mula sa ganang Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya, Tagabatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya at sa anumang nagsasaayos sa kanila.
Hood 11:1
Loading the recitation…
0:00