وَأَنِ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِ يُمَتِّعۡكُم مَّتَٰعًا حَسَنًا إِلَىٰٓ أَجَلࣲ مُّسَمࣰّى وَيُؤۡتِ كُلَّ ذِي فَضۡلࣲ فَضۡلَهُۥۖ وَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمࣲ كَبِيرٍ ٣
Hood 11:3
سورة هود
Meccan
Verse: 3/123
Page 221
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Ipinasasabi sa Sugo:] "Humingi kayo ng kapatawaran sa Panginoon ninyo, pagkatapos ay magbalik-loob kayo sa Kanya, pagtatamasain Niya kayo ng isang tinatamasang maganda hanggang sa isang taning na itinakda at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob ng kabutihang-loob dito. Kung tatalikod kayo, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng pagdurusa sa isang araw na malaki. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Humiling kayo, O mga tao, ng kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo mula sa Panginoon ninyo. Bumalik kayo sa Kanya kalakip ng pagsisisi sa anumang nagkulang kayo sa panig Niya, pagtatamasain Niya kayo sa buhay ninyo sa Mundo ng isang tinatamasang maganda hanggang sa oras ng pagwawakas ng mga taning ninyong itinakda at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob sa pagtalima at paggawa ng ganti sa kabutihang-loob nito nang lubusang walang ibinawas. Kung aayaw kayo sa pagsampalataya sa inihatid ko mula sa Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng pagdurusa sa isang araw na matindi ang mga hilakbot, ang Araw ng Pagbangon.
Hood 11:3
Loading the recitation…
0:00