۞ وَقَالَ ٱرۡكَبُواْ فِيهَا بِسۡمِ ٱللَّهِ مَجۡرٜىٰهَا وَمُرۡسَىٰهَآۚ إِنَّ رَبِّي لَغَفُورࣱ رَّحِيمࣱ ٤١
Hood 11:41
سورة هود
Meccan
Verse: 41/123
Page 226
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi siya: "Sumakay kayo rito; sa ngalan ni Allāh ang paglalayag nito at ang pagdaong nito. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Mapagpatawad, Maawain." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsabi si Noe sa sinumang sumampalataya kabilang sa mag-anak niya at mga tao niya: "Sumakay kayo sa arko. Sa ngalan ni Allāh ay mangyayari ang paglalayag nito at sa ngalan niya ay mangyayari ang pagdaong nito. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. Bahagi ng awa Niya sa mga mananampalataya na iniligtas Niya sila mula sa kapahamakan."
Hood 11:41
Loading the recitation…
0:00