۞ وَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبࣰاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ وَلَا تَنقُصُواْ ٱلۡمِكۡيَالَ وَٱلۡمِيزَانَۖ إِنِّيٓ أَرَىٰكُم بِخَيۡرࣲ وَإِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمࣲ مُّحِيطࣲ ٨٤
Hood 11:84
سورة هود
Meccan
Verse: 84/123
Page 231
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Nagsugo sa] Madyan ng kapatid nila na si Shu`ayb. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Huwag ninyong bawasan ang takalan at ang timbangan. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kariwasaan at tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sumasaklaw. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsugo si Allāh sa Madyan ng kapatid nila na si Shu`ayb. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya; wala na kayong sinasambang karapat-dapat sa pagsamba na iba pa sa Kanya. Huwag ninyong bawasan ang takal at ang timbang kapag tumakal kayo sa mga tao o tumimbang kayo sa kanila. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kaluwagan sa panustos at biyaya kaya huwag ninyong ibahin sa inyo ang biyaya ni Allāh sa pamamagitan ng mga pagsuway. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sumasaklaw na aabot sa bawat isa sa inyo, na hindi kayo makatatagpo mula roon ng matatakasan ni madudulugan.
Hood 11:84
Loading the recitation…
0:00