مَّثَلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡۖ أَعۡمَٰلُهُمۡ كَرَمَادٍ ٱشۡتَدَّتۡ بِهِ ٱلرِّيحُ فِي يَوۡمٍ عَاصِفࣲۖ لَّا يَقۡدِرُونَ مِمَّا كَسَبُواْ عَلَىٰ شَيۡءࣲۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلضَّلَٰلُ ٱلۡبَعِيدُ ١٨
Ibrahim 14:18
سورة إبراهيم
Meccan
Verse: 18/52
Page 257
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila; ang mga gawa nila ay gaya ng mga abo na tumindi sa mga ito ang hangin sa isang araw na umuunos; hindi sila nakakakaya ng anuman laban sa nakamit nila. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang idinudulot ng mga tagatangging sumampalataya na mga gawain ng pagpapakabuti gaya ng kawanggawa, pagmamagandang-loob, at awa sa mahina ay tulad ng mga abo na humihip sa mga ito ang mga hangin sa isang araw na matindi ang ihip ng mga hangin kaya nadala ang mga ito nang malakas at naikalat ang mga ito sa bawat lugar hanggang sa walang natirang bakas sa mga ito. Gayon din ang mga gawain ng mga tagatangging sumampalataya, tinangay ang mga ito ng kawalang-pananampalataya kaya hindi nagpakinabang ang mga ito sa mga tagagawa ng mga ito sa Araw ng Pagbangon. Ang gawang iyon na hindi itinatag sa pananampalataya ay ang pagkaligaw na malayo sa daan ng katotohanan.
Ibrahim 14:18
Loading the recitation…
0:00