قُل لِّعِبَادِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُنفِقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ سِرࣰّا وَعَلَانِيَةࣰ مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمࣱ لَّا بَيۡعࣱ فِيهِ وَلَا خِلَٰلٌ ٣١
Ibrahim 14:31
سورة إبراهيم
Meccan
Verse: 31/52
Page 259
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya na magpanatili sila sa pagdarasal at gumugol sila mula sa itinustos Namin sa kanila nang palihim at hayagan bago darating ang isang araw na walang bilihan roon at walang pakikipagkaibigan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga mananampalataya: "O mga mananampalataya, magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na paraan. Gumugol kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh ng mga guguling isinasatungkulin at itinuturing na kaibig-ibig, nang pakubli dahil sa pangamba laban sa pagpapakitang-tao at nang hayagan upang tumulad sa inyo ang iba pa sa inyo bago ang pagdating ng isang araw na walang bilihan doon ni pantubos na ipantutubos mula sa pagdurusa mula kay Allāh ni pagkakaibigan upang mamagitan ang kaibigan sa kaibigan niya."
Ibrahim 14:31
Loading the recitation…
0:00